50,000-60,000 overseas Filipinos, nabakunahan na kontra COVID-19 sa abroad

109

Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) na ang nabakunahan sa abroad kontra COVID-19.

Ayon kay Bello, nasa 50,000 hanggang 60,000 OFWs na ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.


Bukod pa aniya ito sa mga OFW na nasa frontline gaya sa England at Germany na kasama sa prayoridad na makatanggap ng bakuna.

Bunga nito, marami aniyang OFWs ang tumanggi nang sumailalim sa repatriation.

Facebook Comments