BOTOHAN | Shortlist sa pagkapunong mahistrado, pagbobotohan ng JBC

Manila, Philippines – Pagbobotohan ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Biyernes, August 24 ang shortlist sa pagkapunong mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ang kinumpirma ni acting chief justice at JBC acting ex-officio chairperson Antonio Carpio.

Kabilang sa mga pagpipilian ay sina Associate Justices Teresita Leonardo De Castro, Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Andres Reyes at si Tagum City Regional Trial Court Judge Virginia Tehano-Ang na sumalang na sa JBC interview nitong nakaraang linggo.


Sa ilalim ng konstitusyon, binibigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng 90 araw mula June 19 para makapag-isyu ng appointment.

Matatandaang June 19 nang bakantehin ni Atty. Maria Lourdes Sereno ang posisyon matapos mapatalsik sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Facebook Comments