NANAWAGAN | Pope Francis, kinondena ang pagkakadawit ng ilang pari at obispo sa child sexual abuse

Vatican – Mariing kinondena ni Pope Francis ang ginagawang pagtatakip ng ilang pari sa isyu ng child sex abuse.

Sa sulat ng Santo Papa sa Roman Catholic Community, nananawagan siya ng pagkakaisa para malabanan itong uri ng pang-aabuso.

Humingi rin ng pagpapatawad si Pope Francis dahil sa pagkakasangkot dito ng mga miyembro ng simbahan.


Siniguro rin ng Santo Papa na mahigpit ang gagawing imbestigasyon ng simbahan sa mga ganitong kaso.

Facebook Comments