Bottom-Up Budgeting, Palalakasin Ni Liberal Party Standard-Bearer Mar Roxas

MANILA – Palalakasin at palalawakin ni Liberal Party Standard-Bearer Mar Roxas ang programang Bottom-Up Budgeting (BUB) para mas maraming Pilipino ang matulungan at umangat ang kabuhayan.Ang BUB ay isang programa ng pamahalaan na pinopondohan ng gobyerno gaya ng hog farming, duck raising, handicraft making at iba pa, sa isang lugar kagaya ng munisipyo at maliliit na syudad sa buong bansa.Sa ginanap na League of Governors, sinabi niya na mula sa P25 bilyong pondo ay gagawin itong P100 bilyon para gamitin ng lokal na pamahalaan sa mga proyekto na ang mamamayan mismo ang pipili at magbubuo para na rin sa kanilang kapakanan at ikauunlad.Ang BUB fund ay base sa laki o liit ng populasyon ng isang munisipalidad o syudad kaya kung mas maraming lokal na residente sa isang lugar ay mas malaking alokasyon ng pondo ang kanilang makukuha.Naniniwala si Roxas na mapapadali ang pag-angat ng mga nasasakupan ng mga gobernador at mga mayor kung ang BUB ay palalakasin at ipagpapatuloy sa tapat at maayos na pamamahala

Facebook Comments