Boyet de Leon sa paghirang kay Eddie Garcia bilang National Artist: Ba’t ‘di binigay nu’ng buhay pa

259

Mas mabuti kung naibigay ang titulo habang nabubuhay pa.

Ito ang naging reaskyon ng aktor na si Christopher “Boyet” de Leon sa planong isulong na gawing National Artist ang pumanaw na batikang aktor-direktor na si Eddie Garcia.


Bagama’t suportado ang inisyatiba, aniya, mas na-appreciate sana ni Manoy ang parangal noong nabubuhay pa ito.

Giit ng aktor, may credentials si Garcia para maging National Artist.

Nabanggit ni Boyet na magaling si Manoy at marami na aniya itong napanalunang gantimpala bilang direktor, aktor, at manunulat.

Nakatrabaho ni Christopher si Eddie sa kanyang unang pelikula na “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” kung saan mag-ama ang dalawa.

Kabilang naman si Boyet sa mga dumalo sa ikalawang gabi ng burol para kay Manoy.

Facebook Comments

From Advertisers