BPATS at mga Volunteers sa Probinsya ng Quirino, Sinanay

*Cauayan City, Isabela- *Magkatuwang na isinagawa ng 86Infantry Battalion, Philippine Army, PNP, BFP at MDRRMO ang pagsasanay sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at Civilian Volunteer Organization (CVO) sa labing pitong (17) barangay mula sa Bayan ng Aglipay, Cabarroguis, Maddela at Nagtipunan sa lalawigan ng Quirino.

Nagsimula ang pagsasanay noong ika-24 ng Agosto at nakatakda itong magtapos sa ika-2 ng Setyembre ng taong kasalukuyan.

Kabilang sa mga itinuro ay ang Anti – Criminality, Anti- Drug, Checkpoint Operations, Rescue Operations, Basic Life Support at Firefighting Technique.


Isinagawa ang pagsasanay ng 3 araw sa bawat barangay ng mga nasabing bayan.

Layunin ng nasabing pagsasanay na bigyan ng kaalaman ang mga BPATs o Tanod ganun na rin ang mga CVO sa kung paano magpanatali ng kaayusan sa kanilang mga komunidad, at kung paano magligtas ng buhay sa tuwing may aksidente o di inaasahang sakuna.

Facebook Comments