BPI, magpapatupad ng mga bagong transaction fees simula sa Setyembre

Manila, Philippines – Magpapatupad ng bagong transaction fees ang Bank of the Philippine Islands (BPI) simula sa Setyembre a-uno.

Ayon sa BPI, ang mga cash deposits ay libre maliban sa mga piling inter-region transactions na may halagang 50 pesos.

Ang passbook account withdrawals ay libre maliban din sa piling inter-region transactions na may singil na 100 pesos.


Walang bayad kung gagawin ang encashment of checks sa branch kung saan nakarehistro ang account, pero kung sa iba ito isasagawa ay kailangang magbayad ng 100 pesos.

Para sa mas detalyadong listahan ng mga bagong fees ay makikita sa website ng BPI na: www.bpiexpressonline.com

Facebook Comments