DAMBUHALA | Giant motorized shopping cart, namataan sa Wisconsin highway

Wisconsin – Isang giant motorized shopping cart ang nakita sa kahabaan ng Wisconsin highway.

Sa video na kuha ng isang motorist, nakita niya ang Gargantuan shopping cart sa bahagi ng interstate 39 na nakasakay sa likod ng isang flatbed truck.

Mayroon itong dalawang upuan sa loob ng basket at isang malaking V8 engine sa gulong nito.


Gayunman, hindi pa malinaw kung ano ang purpose nito.

Pero kung pagbabasehan ang disenyo, tila hindi na kailangan pang maglakad ng customer habang namimili dahil pwede na niyang libutin ang supermarket nang nakasakay din sa shopping cart!

Facebook Comments