BPI, nagsampa ng reklamo laban sa isang importer ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng sariwang dilaw na sibuyas nang walang kaukulang food safety at plant quarantine permit

Kinasuhan ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang isang importer dahil sa pag-angkat ng sariwang dilaw na sibuyas na lumabag sa regulasyon ng food safety at plant quarantine.

Ang kinasuhan ay JRA and Pearl Enterprises Inc., isinama rin sa sinampahan ng asunto ay ang directors.

Ang complainant ay si Henrick Exconde, area manager ng BPI National Plant Quarantine Division sa Port of Manila-South Harbor.


Nag-ugat ang kaso sa importasyon ng JRA ng 25 metriko tonelada ng sariwang dilaw na sibuyas mula sa China ng walang kaukulang import permit.

Nabigo ang JRA na magbigay nang maayos na paliwanag kung bakit nag-angkat ng sibuyas nang hindi muna kumuha ng kaukulang sanitary at phytosanitary import clearances na nagbibigay katiyakang ligtas sa kalusugan ang mga gulay at hindi rin magkakalat ng peste o sakit sa mga halaman.

Magugunita na itinigil ng BPI ang pag-iisyu ng import permits para sa sariwang dilaw na sibuyas simula January 1 hanggang August 19 ng nakalipas na taon.

Facebook Comments