BPI, tiniyak sa publiko na walang mawawalan ng pera dahil sa system glitch

Manila, Philippines – Maliit na porsiyento lang ng mga bank account ang apektado matapos na magka-problema sa sistema ng Bank of the Philippine Islands.

Sa press briefing kanina, inamin ni BPI Senior Vice President Catherine Santamaria na nagkaroon ng additional debits at credits ang ilan sa mga online transactions na ginawa ng banko mula April 27 hanggang May 2 at nagkaroon ng double posting ang mga ito kahapon, June 6.

Gayunman, tiniyak ng opisyal na walang nawalan o mawawalan ng pera dahil system glitch.


Aniya, internal data processing error ang ugat ng problema na ngayo’y kontrolado na nila.

Maliban dito, tukoy na rin ng BPI kung sino-sino ang mga apektado ng problema.

Kasabay nito, umapela ng pasensya ang BPI sa publiko at tiniyak na maibabalik sa normal ang operasyon nito ngayong araw.
DZXL558

Facebook Comments