Pagrereview sa maintenance contracts ng MRT 3, dapat nang simulant ni dating DOTC Sec. Mar Roxas ayon kay Senador Poe

Manila, Philippines – Dapat nang simulan ni dating Transportation and Communication Secretary Mar Roxas II ang pagre-review sa maintenance contracts ng Metro Rail Transit 3.

Giit ito ni Senadora Grace Poe makaraan niyang kuwestiyunin kung bakit walang nagawa si Roxas para ayusin ang problema mula nang manungkulan ito sa ahensya noong July 2011 hanggang October 2012.

Matatandaang inimbitahan ng senadora si Roxas sa susunod na pagdinig ng Senado kaugnay ng sunod-sunod na aberya ng mga tren ng MRT.


Lumalabas kasi aniya na hindi gumawa ng agarang aksyon si Roxas para i-renew ang kontrata noon ng ahensya sa Sumitono kaya naibigay ito sa kumpanyang hindi naman subok.

Sa mga naunang pagdinig, sinabi ni Former General Manager Al Vitangcol na sinulatan niya noon si Roxas para ipaalala ang nalalapit na expiration ng kontrata sa Sumitomo pero hindi ito sinagot ng dating DOTC Secretary.

Dahil dito, nailipat ang kontrata sa PH Trams nang walang public bidding na siya namang pinirmahan ni former Secretary Jun Abaya.
DZXL558

Facebook Comments