BPO company mula sa Washington D.C., itatayo sa Madurriao, Iloilo

Isa na namang Business Process Outsourcing (BPO) Company ang itatayo sa Pilipinas, partikular sa Iloilo Business Park sa Madurriao Iloilo.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos makipagpulong ngayong araw sa mga opisyales ng BPO company na sina Atento President Fili Ledezma Soto at Chief Delivery Officer Josh Ashby sa Blair House sa Washington D.C.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa mga opisyales ng Atento, hindi sila nagkamali ng desisyong piliin ang Pilipinas bilang kanilang lokasyon nang kanilang negosyo dahil magagaling ang mga Pilipino sa pagsasalita at pagsusulat ng English.


Naniniwala si Pangulong Marcos Jr., magiging matagumpay ang negosyong ito dahil established na ang ganitong mga trabaho sa Pilipinas.

Kasama ni Pangulong Marcos Jr. sa pakikipagpulong sa mga opisyales ng Atento sina dating pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, House Speaker Ferdinand Romualdez, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, Department of Finance Secretary Benjamin Diokno, at Special Assistant to the President, Sec. Antonio Ernesto Lagdameo Jr.

Nasa pagpupulong rin ang Philippine Ambassador to the United States na si Jose Manuel Romualdez at DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo.

Ang Atento ay Customer Relationship Management at Business Process Outsourcing Company na nagooperate sa Argentina, Brazil, Chile, Columbia, El Salvador, Guatemala, Mexico, Morocco, Panama, Peru, Puerto Rico, Spain, Uruguay at US.

Facebook Comments