2 koronel at heneral, inirekomendang tanggalin sa PNP

Apat na matataas na opisyal ang inirekomendang alisin na sa serbisyo sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga.

Ayon kay dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., na pinuno ng 5-member advisory group, inirekomenda nila na tanggapin ang courtesy resignation ng dalawang general at dalawang colonel.


Ang naturang mga opisyal ay kasama sa 36 na pulis na tinitignan na may kaugnayan sa iligal na droga.

Hindi naman nito binanggit ang pangalan ng apat dahil ipinauubaya na nila ito sa National Police Commission.

Facebook Comments