Branch Manager Na Si Maia Deguito At Sr. Customer Relations Officer Angela Torres, Sinibak Na Ng Rcbc Kaugnay Sa 81 Mill

7

MANILA – Sinibak na ng RCBC sina Maia Santos-Deguito, ang Bank Manager ng Jupiter Branch at Angela Torres, na Senior Customer Officer ng bangko kaugnay ng 81 million dollars na perang ninakaw sa Bank of Bangladesh.Ayon kay RCBC Legal and Regulatory Affairs Head Attorney Macel Estavillo, dahil ito sa falsification of documents at paglabag sa mga polisiya ng bangko.Habang nakipagsabwatan si Torres kay Deguito para maipasok sa kanilang bangko ang multi-million dollar account.Bukod kina Torres at Deguito, posibleng may iba pang matataas na opisyal ang makakasuhan at masususpinde sa mga susunod na araw dahil sa naturang anomalya.Samantala… sinampahan naman ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang negosyanteng sina Kim Wong at si Weikang Xu na umanoy mastermind ng money laundering sa bansa.Paliwanag ni AMLC Executive Director Julia Abad, ibinatay nila sa pagdinig ng Senado ang paghahain ng kaso kina Wong at Xu.Sinabi naman ng kampo ni Wong, na handa itong humarap sa Senado para tumestigo sa isyu ng money laundering sa bansa.

Facebook Comments