Us President Barack Obama At Russian President Vladimir Putin, Kinondena Ang Pag-Atake Sa Brussels

4

United States – Kasunod ng twin explosion sa Brussels, Itinaas na ng European Union sa orange ang alert level sa mga institusyon nito at kinansela na rin ang lahat ng kanilang meeting.Kinondena naman ni Russian President Vladimir Putin ang aniya’y “barbaric act” na ginawa sa Brussels.Mariin ding kinondena ni US President Barack Obama ang pag-atake.Sa Speech ni Obama sa huling araw ng biyahe sa Cuba, tinawag niya ang insidente na “outrageous attacks”.Nangako naman si Obama na gagawin nila ang lahat para suportahan ang kaalyadong bansa para maibigay ang hustisya sa mga biktima.Samantala, naka-alerto narin ang mga karatig bansa sa Europe habang hinigpitan din ang seguridad sa Gatwick Airport sa London.

Facebook Comments