Braso ng isang ginang, naipit sa ilalim ng kama sa loob ng 13 oras

373
(Picture: SWNS)

CHESTERFIELD, Missouri – Muntik nang ikamatay ng isang ginang ang 13 oras na pagkakaipit ng kanyang kanang braso sa ilalim ng kama nang kunin nito ang nahulog na MP3 player.

Nangyari ang insidente bandang 9:30 ng gabi noong Enero 23 habang nag-iisa si Claire Montello, 39, sa kanilang bahay.


Kwento ni Claire, iniangat niya ang piston ng kutson para kunin ang nahulog na gamit ng bigla itong bumagsak at naipit siya.

Pinilit niyang iangat ang buong kama gamit ang isa pang braso ngunit hindi niya raw ito magawa dahil sa bigat.

Wala rin daw siyang kakayahang abutin ang kanyang cellphone dahil nasa malayo itong pwesto.

Sa kagustuhang makaalis sa pagkakaipit, sumigaw na raw ng tulong si Claire dahil walang ibang tao sa kanilang bahay at nasa trabaho noon ang kanyang asawa.

Makailang saglit pa nang mapagod at manghina, napasandal na lang daw siya sa kama at ginawa ang lahat para hindi mawalan ng malay.




Aniya, “I had to keep making myself sick to keep the moisture in my mouth as a way to survive. I must have vomited about 40 times. Because the wardrobe was right next to the bed I couldn’t even sit down.”

Hindi rin daw niya magawang matulog dahil sa tindi ng sakit.

Kinabukasan, laking gulat ng kanyang mister na si Francesco Montello, 61, nang makita ang kalagayan ni Claire alas diyes ng umaga.

“I lifted up the bed and when she got her arm out it was flat. I’ve never seen an arm go that flat before,” kwento ni Francesco.

Sabi ni Claire, halos pumutok na raw ang kanyang braso dahil sa tagal nang pagkakaipit.

Agad na idinala sa Royal Derby Hospital si Claire at nanatili ng dalawang Linggo para sumailalim sa operasyon.

Para maibalik ang kanyang braso, kumuha ang mga doktor ng balat mula sa kanyang hita.

Mayroon ding mga muscles na natanggal kung kaya 50:50 na raw ang pagkakataong maibalik pa ang paggalaw nito.

Dahil sa nangyari, nagpasya ang mag-asawa na sirain na ang buong kama na binili pa raw nila ilang taon na ang nakakalipas.

Facebook Comments