PNP, kumbinsido na may ilang pulis na protektor ng iligal na sugal

187

Para sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) may ilang pulis pa rin ang nagpoprotekta sa operasyon ng iligal na sugal.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, hindi naman mamamayagpag ang iligal na sugal sa bansa kung nahuhuli ng mga pulis ang mga operator ng pasugalan.


Kaya naman target ng PNP Chief na palakasin ang kanilang Integrity Monitoring and Enforcement Group at Internal Affairs Service (IMEG) para mahuli ang mga pulis na gambling lord.

Banta niya naman sa mga pulis na hindi kikilos para arestuhin ang mga sangkot sa iligal na sugal na maghanda dahil mananagot sila sa batas.

Matatandaan na kamakalawa lang ay mahigit 50 video karera at fruit game machines ang winasak sa Camp Crame.

Sinabi rin ni Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, PNP Deputy Director for Operations na nakipagpulong sya sa mga director at kanilang contact officers upang magimbestiga nang sa ganun masawata ang operasyon ng sugal.

Facebook Comments