Brazil, plano ng gamitin ang bakuna kontra COVID na mula sa China

Plano ngayon ng gobyerno ng Brazil na gamitin na ang China-made COVID vaccine bilang parte ng kanilang immunization program.

Ayon kay São Paulo Governor João Doria, pumayag ang kanilang federal government na bumili ng 46 million doses ng bakuna na coronavac na ginawa ng kumpaniyang Sinovac Biotech.

Sinabi pa ni Doria na posibleng simulan ang immunization program sa January 2021 kung saan bukod sa coronavac ng China, plano rin nila na gamitin ang isa pang bakuna na binuo naman ng Oxford University sa England at ng astrazeneca na isa sa kompaniya na gumagawa rin ng medicinal drug.


Ginawa ng pamahalaan ng Brazil ang hakbang dahil sa patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa na ngayon ay aabot na sa 5.3 milyon ang bilang at nasa 155,000 na ang namatay.

Facebook Comments