SPORTS — Literal na apat na araw lamang mag-rerelax si Hidilyn Diaz matapos niyang makuha ang ginto sa weightlifting ng 2018 Jakarta Palembang Asian Games sa Indonesia.
Balik ensayo agad din kasi ang Rio Olympic Games silver medalist para paghandaan naman ang World Championships na gagawin sa Turkmenistan sa Nobyembre.
Ayon kay Diaz, plano niyang umakyat sa 55 kilogram division o dalawang kilong mas mabigat sa bracket kung saan nakuha niya ang gintong medalya sa Asiad.
Paliwanag ni Diaz mas komportable sa 55 kilograms na bagong kategorya sa 2020 Tokyo Olympics.
Idinagdag pa ni Diaz na posibleng magretiro na siya pagkatapos ng Summer Games sa Japan.
Facebook Comments