BREAKING: 2 inmates pumuga sa Maguindanao Jail

Nagpapatuloy ang manhunt operation ng mga otoridad kaugnay sa panibagong insidente ng pagtakas ng dalawang inmates ng Maguindanao Provincial Jail.

Sa panayam ngayong umaga ng DXMY sa bagong talagang Jail Warden ng Maguindanao Provincial Jail Atty. Bobby Katambak , sinasabing mag aalas dose ng madaling araw kahapon ng maitala ang pagpuga ng mga bilanggong kinilalang sina JOHN PAUL DATUWATA at ALBERT UGA na may mga kasong murder at carnapping.

Tumakas ang mga inmates sa pamamagitan ng pagdaan sa bubong ng MPJ. Sinasabing mga Trustees ang mga pugante. Nakipag ugnayan na rin sa mga kapulisan ang MPJ .


Ikinalungkot naman ng bagong pamunuan ng MPJ ang naitalang Jailbreak. Kasabay ng pag asang agad na sumuko o mahuli ang mga pugante ayon pa dagdag ni Warden.

Matatandaang magtatatlong linggo pa lamang si Atty. Katambak sa MPJ . May 24 2018 lamang ng maitala ang pinakahuling Jail Break na nagresulta sa pagkakasawi ng isang inmate at pagkakatakas ng anim na iba pa.

Facebook Comments