BREAKING: Bangsamoro Organic Law nalagdaan na ni PD30- Chairman Jaafar

Masayang ipinarating sa DXMY RMN Cotabato ni BTC Chairman Ghadzali Jaafar na nalagdaan na ni Presidente Rody Duterte ang Bangsamoro Organic Law.
Sinasabing alas kwatro y media kaninag madaling araw ng itinawag sa kanya ni SAP Bong Go ang magandang impormasyon.
Kaugnay nito lubos na nagpapasalamat si Chairman Jaafar sa mga naging inisyatiba ng pangulo para sa mga Bangsamoro.
Patuloy naman ang paghimok ni Chairman Jaafar sa lahat na suportahan ang BOL sa gagawing plebisito.
GOOGLE PIC

Facebook Comments