Friday, March 6, 2026

BREAST AT CERVICAL AWARENESS, BINIGYANG-DIIN SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL WOMEN’S MONTH SA TAYUG

Binigyang-diin ang kahalagahan ng breast at cervical awareness sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026 sa Tayug bilang bahagi ng pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng kababaihan.

Nagbigay ng lecture ang isang health expert hinggil sa breast at cervical cancer awareness pati na rin sa mental health na mahalagang aspeto ng kalusugan dahil sa posibleng madalas na nararanasang stress.

Nagbahagi rin ng kaalaman ang Bureau of Fire Protection Tayug tungkol sa fire safety at tamang pagtugon sa emergency.

Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang suporta sa mga programang nagbibigay-lakas at proteksyon sa kababaihan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments