Nilinaw ng Department of Health (DOH) sa publiko na patuloy na itataguyod, poprotektahan at susuportahan ang pagsasanay ng breastfeeding mula pagkapanganak ng sanggol hanggang anim na buwan.
Ayon sa DOH, dapat ipagpatuloy ang breastfeeding na may kasamang pagtulong sa pagkain hanggang 2 taon lalo na ngayong pandemya.
Katuwang ng DOH ang Korean Embassy, World Health Organization (WHO), Korean International Cooperation Agency (KOICA) at ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) sa panawagan kasabay ng pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month sa Pilipinas.
May tema ang pagdiriwang na “Tulong-Tulong sa Pagpapasuso sa First 1,000 Days!”
Sa ngayon, binigyan diin ng DOH ang kahalagahan ng pagtiyak ng wastong impormasyon tungkol sa kalusugan at nutrisyon, lalo na kung limitado ang iba pang mga serbisyo sa bansa.