Dating Senador Marcos, may apela sa IATF kaugnay sa pagpapalabas sa mga APOR

Umapela sa Inter-Agency Task Force (IATF) si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na luwagan ang mga restrictions sa mga indibidwal na kumpleto na sa bakuna.

Kasabay ito ng pagsailalim na ngayong araw ng buong Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na iiral hanggang sa ika-20 ng Agosto.

Ayon kay Marcos, dapat na awtomatikong italaga bilang mga Authorized Persons Outside of their Residence (APOR) ang mga bakunado sa isang pamilya upang mas maraming miyembro nito ang makakilos at makatulong.


Patuloy naman ang apela sa publiko ni Marcos na mag-ingat upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19.

Facebook Comments