Breastfeeding sa mga Sanggol, Ligtas pa rin gawin ayon sa DOH-RO2

Cauayan City, Isabela- Ligtas pa rin naman para sa mga sanggol ang breastfeeding sa gitna ng nararanasang pandemya laban sa coronavirus disease 2019.

Ito ang paglilinaw ng Department of Health (DOH) Region 2 kasabay ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Month ngayong Agosto.

Ayon kay Nutrition Program Coordinator Nerissa Mabbayad, may ilan kasi na mga magulang ang ginagawa ay ang pagpapadede sa botelya (bottle feeding) dahil sa takot na baka mahawaan ang sanggol sa virus.


Giit nito, may taglay na anti-bodies ang gatas ng ina kaya hindi basta mahahawaan ang isang sanggol ng virus.

Hinimok naman ng ahensya na ang mga gatas na naipamahagi bilang ayuda sa bawat pamilya ay pinagbabawal na gamitin dahil mas aprubado pa rin ang pagpapasuso sa sanggol gamit ang gatas ng ina.

Ugaliin pa rin ang pagsunod sa health protocol na isa sa mabisang paraan para maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Facebook Comments