Dalawang senior citizens at isang kasabwat nila, arestado sa pag-operate ng drug den sa Maynila

Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang dalawang senior citizens at bente otso anyos na kasabwat nito sa pagpapatakbo ng drug den sa San Andres Bukid, Malate, Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina Ricky Belarmino at Bernardo Lauzon, kapwa 60 years old at ang kasabwat nilang si Rodolfo Garcia Jr.

Ang mga suspek ay inaresto matapos magpanggap na buyer ang isang pulis.


Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng ₱16,320, isang improvised shotgun at tatlong piraso ng 12-gauge ammunition gayundin ang drug paraphernalias.

Ang mga suspek ay agad na sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments