Tiniyak ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na palagian nilang isinasagawa ang ilang safety measures at hindi lamang tuwing may okasyon tulad ng Undas, Pasko at Semana Santa kung saan dagsa ang mga nagsisipag-uwiang mga pasahero.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador na madalas silang magsagawa ng breath analyzer sa mga driver ng bus upang matiyak na hindi lasing o nakainom ang tsuper upang masiguro ang ligtas na biyahe.
Maliban dito, surpresa rin sila kung magkasa ng drug test at road worthy vehicle test.
Sa katunayan 4 na bus drivers na ang nagpositibo sa drug test at 3 bus naman ang hindi pumasa sa road worthy vehicle test kung kaya’t hindi na ito pinahintulutang makabiyahe.