Muling ibinasura ng United Kingdom (UK) parliament ang Brexit deal o withdrawal agreement sa European Union (EU) ni British Prime Minister Theresa May.
Sa botong 344-286, hindi pinabigyan ng mga miyembro ng parliyamento ang deal.
Nangangahulugan ito na nalampasan na ng UK ang deadline ng EU na i-delay ang Brexit hanggang May 22 at umalis na may kasunduan.
Ayon kay Prime Minister May – kailangang makahanap ng alternatibong paraan ang UK upang umusad lalo at papalapit ang European elections.
Mayroon na lamang April 12 si May para makahingi ng extension para maiwasan ang no-deal Brexit.
Facebook Comments