Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Patuloy pa ring makararanas ng mainit at maalinsangan na panahon ang malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies.

Posibleng makaranas ang Bicol Region, Eastern Visayas at Mindanao ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan.

Magiging maalinsangan rin ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Malaya namang makapaglalayag ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ngayong araw.

Facebook Comments