Isinailalim sa isang linggong total lockdown ang Brgy.132 sa Caloocan City simula kagabi at tatagal ito hanggang August 8, 2020.
Ito ay dahil pa rin sa patuloy ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa nasabing lungsod na umakyat na sa 36.
Habang umiiral ang lockdown, isasagawa ng Lokal na Pamahalaan ang targeted testing.
Sinisigurado naman ng Caloocan City Local Government Unit (LGU) na ang lahat ng mga apektado na residente ay makatatanggap ng ayuda.
Sa huling tala, mahigit 2,400 na ang mga kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa Caloocan City.
Facebook Comments