President Donald Trump, nagbanta na ipagbabawal nito ang Tiktok sa Amerika

Nagbanta si US President Donald Trump na ipagbabawal nito sa kanyang bansa ang trending na Chinese-owned video sharing application na “Tiktok”.

Ayon kay Trump, pirma na lang niya ang kulang sa isang Executive Order (EO) para tuluyang ma-ban ang naturang video application.

Magugunita na nagpahayag ang ilang opisyal ng Amerika ukol sa bantang dulot ng Tiktok tulad ng pagkalap ng mga personal na impormasyon na ng sinumang magdo-download nito.


Sa ngayon, halos 80 milyong katao na sa buong mundo ang gumagamit ng nasabing application kung saan karamihan nito ay galing sa nasabing bansa.

Samantala, iginiit ng Chinese firm na Bytedance na hindi hawak ng Chinese Government ang mga datos na inilalagay ng mga user ng Tiktok.

Facebook Comments