Brgy. 171 Chairman Romeo Rivera, sinampahan ng kaso sa Sangguniang Panlungsod ng Caloocan City

Sinampahan na ng kaso nina Caloocan City Health Officer Dr. Evelyn Cuevas at Business Permit and Licensing Office Head Atty. Emmanuel Emelio Vergara sa Sangguniang Panlungsod ng Caloocan City si Barangay 171 Chairman Romeo Rivera na lantarang lumabag sa umiiral na health protocol.

Base sa 10-pahinang reklamo nina Dr. Cuevas at Atty. Vergara, ipinunto ng mga opisyal ang lantarang paglabag ni Barangay Chairman Rivera sa umiiral na health protocol.

Una rito, hindi na makakapag-operate pang muli ang Gubat sa Ciudad na nasangkot sa lantarang paglabag sa umiiral na health protocol makaraang isilbi ng mga opisyales ng Caloocan City Business Permit and Licensing Office o BPLO ang ‘Revocation Order’ sa nabanggit na resort.


Pero walang mahagilap na tao sa opisina ng establisyimento at ipinaskil na lamang ng grupo ni BPLO Chief Atty. Vergara ang kautusan sa harapan ng Gubat sa Ciudad.

Matatandaang nag-viral sa social media ang video ng mga naliligong dagsa ng tao na mistulang normal na araw lamang at walang nararanasang pandemya.

Facebook Comments