Brgy. Almanza Dos sa Las Piñas, naghigpit sa mga deliveries sa harap ng kaso ng Delta variant

Kinumpirma ni Chairwoman Mira Jon Alovera ng Barangay Almanza Dos, Las Piñas na naghigpit sila sa pagpapapasok ng deliveries sa lugar.

Ito ay matapos na isang pamilya sa nasabing lugar ang tinamaan ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Alovera, naglaan na lamang sila ng lugar kung saan maaaring kunin ng mga residente ang kanilang order.


Maging ang pagtitipon sa mga tahanan ay kanila ring hinigpitan lalo na sa mga bisita mula sa labas ng Las Piñas.

Samantala, tiniyak ng opisyal na tatapusin nila ang pamamahagi ng ayuda sa loob ng 20 araw.

Facebook Comments