Pagsasaayos ng digital vaccination certificate portal system sa bansa, tapos na- DICT

Natapos na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagsasaayos sa digital vaccination certificate portal sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DICT Undersecretary Emmanuel Caintic na sa Agosto 27 ay kabilang ang Pilipinas sa ite-test ng International Air Transport Association (IATA) para i-link up ang vaccination card ng bansa sa kanilang sistema.

Sa ngayon, tinututukan muna ng ahensya ang pagtuturo sa mga Local Government Unit (LGU) sa tamang pamamaraan ng paggamit ng system.


Paliwanag ni Caintic, mahalagang alam ng bawat LGU ang rectification process sakaling magkaiba ang impormasyong nakasulat sa vaccination card at in-upload sa system ng LGU.

Tiniyak din ng DICT na tatanggapin sa kahit saan mang bansa ang digital vaccination certificates lalo na sa mga bansang kasapi ng World Health Organization (WHO).

Facebook Comments