Brgy. Bagahabag sa bayan ng Solano, Nanguna sa mataas na COVID-19 cases

Cauayan City, Isabela- Pumalo na sa 148 katao ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 sa bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.

Batay sa datos na inilabas ng LGU Solano, naitala ang may pinakamaraming aktibong kaso ng virus sa Brgy. Bagahabag kung saan umabot ito sa 47.

Kasabay nito, nagdaos muli ng mass swab testing ang lokal na pamahalaan sa barangay na may pinakaraming kaso ng COVID-19 ngayong araw habang hihintayin ang resulta ng pagsusuri sa mga residente sa lugar.


Naitala naman ng LGU Solano ang limang (5) katao na pumanaw matapos tamaan ng nasabing virus.

Samantala, nagkaloob naman ng P500,000 milyon ang Provincial Government sa katauhan ni Gov. Carlos Padilla na bahagi ng paglaban sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Facebook Comments