BRGY. CARABATAN CHICA, NANANATILING DENGUE FREE

CAUAYAN CITY- Nananatiling dengue free ang Barangay Carabatan Chica sa kabila ng pagkakaroon ng mga kaso nito sa ilang barangay sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Benjamin Recobo, bahagyang nakakaalarma ang sitwasyon sa ibang barangay kung kaya’t nagsasagawa sila ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkakaroon ng dengue sa kanilang lugar.

Aniya, pinapayuhan ang mga residente lalo na ang mga bata na may edad pito pababa na gumamit ng mosquito net at off lotion upang maiwasang makagat ng lamok.


Bukod dito, nilinis din ang mga kanal na maaaring pinamumugaran ng mga lamok.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng fogging ang Brgy. Carabatan Chica sa mga susunod na araw.

Facebook Comments