Brgy chairwoman Beng Beltran na kumakandidato sa pagka-kongresita, kritikal matapos tambangan

Quezon City – Nasa kritikal na kondisyon ang Barangay Chairwoman ng Barangay Bagong Silangan sa Quezon City na si Beng Beltran matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

Ayon kay Police Superintendent Joel Villanueva, PS 6 station Commander, pasado ala ose kanina, papalabas ng Filinvest subdivision si Beltran nang biglang sumulpot ang riding in tandem criminal saka pinagbabaril.

Patay naman ang tatlo pang kasama ni Beltran na nadamay sa pamamaril.


Si Beltran na nasa last term na bilang barangay chairwoman ay kumakandidatong congresswoman sa Quezon City sa ilalim ng ticket ni Bingbong Crisologo na katunggali naman sa pagka mayor ni Vice Mayor Joy Belmonte.

Sa ngayon ay inoobserbahan sa ICU sa FEU Hospital sa Commonwealth si Beltran.

Facebook Comments