CAUAYAN CITY- Isa sa ipinagmamalaki ng Brgy. Gagabutan, Cauayan City, Isabela ay hindi nakapagtalaga ng anumang kaso ng teenage pregnancy ang kanilang barangay.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Population Worker Adelina Corpuz, taong 2018 pa ang huling kaso na naitala ng kanilang barangay at magpasahanggang ngayon ay wala ng naitalang kaso kasunod nito.
Dagdag pa niya, mahigpit ang isinasagawang pagbabantay at pagbibilin ng mga magulang at mga opisyal ng barangay sa mga kabataan.
Bukod dito, epektibo ang isinagawang sympossium at programa hinggil sa pagbubuntis ng maaga na ikinagalak naman ng mga opisyal ng barangay ang bunga ng kanilang programa sa lugar.
Samantala, inaasahan naman ng mga opisyal na mapanatili ito at hindi umano sila magsasawa na pagsabihan at gabayan ang mga kabataan sa kanilang barangay.