Good news sa mga taga San Juan City dahil 5000 san juanenos ang mabibigyan ng libreng Japanese Encephalitis Vaccines.
Ito ay matapos na tanggapin nina San Juan City Mayor Francis Zamora, City Administrator Atty. Dennis Pamintuan at City Health Head Dra. Rosalied Sto Domingo ang donasyong Japanese Encephalitis Vaccines mula sa mga opisyal ng Makati City Health Dept.
Ang nasabing vaccine ay makakatulong para makaiwas sa Japanese Encephalitis na isang mosquito borne viral disease kung saan nagkakaroon ng pamamaga sa utak ang isang pasyente.
Ayon sa DOH malimit magkasakit nito ay mga bata na ang sintomas ay katulad ng flu o trangkaso na mataas ang lagnat, panginginig, masakit ang ulo at nakakaramdam ng pagkapagod.
Mabilis lamang ito mapunta sa severe encephalitis o infection of the brain, wala pa raw gamot dito pero makakaiwasa sa sakit na ito sa pamamagitan ng pagtuturok ng Japanese Encephalitis.
Ang halaga ng vaccine ay 2000 hanggang 4000 piso na maiikonsiderang mahal para sa mga Pilipino.
Kaya naman nagpasalamat si Mayor Zamora sa mga pinamigay ng libreng Japanese Encephalitis sa San Juan City dahil malaking tulong ito sa kanyang mga constituent.