Brgy Kagawad at 1 Iba pa na Top Most Wanted Person sa Isabela, Arestado

43

Cauayan City, Isabela- Natimbog na ng mga alagad ng batas ang dalawang katao na kabilang sa mga Top Most Wanted Person sa municipal level sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto ng mga kasapi ng Mallig Police Station ang itinuturing na Top 1 Most Wanted na si Gabriel Sambrano, 28 taong gulang, may-asawa, barangay Kagawad at residente ng Brgy. Trinidad, Mallig, Isabela.


Isinilbi ng kapulisan ang warrant of arrest laban kay Sambrano sa pangunguna ng hepe na si PCapt Clarence Labasan, PMaj Garry Macadangdang ng Isabela Police Provincial Office, Pcapt Carmelo Palos ng RID PRO2 at Pmaj Rey Sales ng Highway Patrol Group.

Si Sambrano ay nahaharap sa kasong Murder o pagpatay kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, aresto rin ng PNP Divilacan ang Top 8 Most Wanted sa municipal level na kinilalang si Larry Verdadero, 46 taong gulang, may-asawa, construction worker, residente ng brgy Balagbag, Diffun, Quirino na nanunuluyan sa Dimapula, Divilacan, Isabela.

Nahaharap naman sa kasong 2 counts na Frustrated Murder o bigong pagpatay si Verdadero at may kaukulang piyansa na Php200,000.00.




Nasa kustodiya ng PNP Divilacan ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments