Cauayan City Isabela- Igiinit ng isang kagawad ng barangay Mabini, Santiago City na hindi niya inareglo ang sana’y paghuli sa mga tanod na lumabag sa liquor ban.
Ayon kay Kagawad Gerry Huit, Chairman ng Committee on Peace and Order, hindi niya sigurado kung sa mismong checkpoint uminom o sa sariling bahay nangyari ang pag-inom ng mga ito. Dagdag pa ng opisyal, nabagot lang siguro umano ang mga sangkot sa pag-inom kung kaya’t nagawa ang insidente.
Una nang umani ng pambabatikos ang opisyal ng barangay dahil sa ginawa umano nitong pag-areglo para lang hindi na umabot sa pagkakakulong ng mga ito. Ayon sa ilang residente, naulungkot sila dahi ang mga ito sana ang pangunahing nagpapatupad ng batas sa kanilang lugar pero sila naman ang lumabag.
Agad namang sinibak sa tungkulin ang apat na tanod ng barangay bilang parusa sa kanilang ginawang paglabag sa umiiral na Liquor Ban sa Lungsod. Paalala naman ng opisyal, maging aral para sa iba pang nagbabantay ng checkpoint na hindi rason ang pagkabagot para lumabag sa pagpapatupad ng batas.