Brgy. Kapitan patay sa pamamaril sa Datu Piang

Patay ang Brgy. Kapitan ng Montay sa Datu Piang, Maguindanao matapos pagbabarilin ng riding intandem criminals pasado alas dyes kahapon ng umaga.

Kinilala ni Datu Piang Chief of Police Senior Inspector Cesar Ibal ang biktima na si Kadatuan Sinolinding Masukat, 60 anyos. Dalawang tama ng bala ng kalibre kurentay singko sa kanyang ulo ang natamo ng biktima resulta ng kanyang kamatayan.

Sakay ng kanyang XRM Motorcycle si Kapitan kasama ng kanyang anak ng paputukan ng ng di nakilalang mga suspeks. Maswerteng nakaligtas ang anak nito na nagmamaneho ng motor. Sinasabing isa si Kapitan Masukat na masigasig sa pagsugpo ng illegal ng droga sa bayan ng Datu Piang.


Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments