Brgy. Kapitan, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Baril

*Cauayan City, Isabela- *Hinuli ng mga otoridad ang isang barangay kapitan matapos ang iligal na pagbebenta nito ng mga baril sa Gattaran, Cagayan kahapon.

Nakilala ang suspek na si Lourence Battad, 35 anyos, may asawa at kasalukuyang kapitan ng Brgy. Abra, Gattaran, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Gattaran, nakatanggap ang mga ito ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na nagbebenta ng iligal na baril ang nasabing kapitan at agad namang ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek ng mga operatiba ng pinagsanib na pwersa ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC) and 203rd Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion (RFMB2) at nadakip ito sa Zone 7 ng Brgy. San Carlos sa nasabing bayan.


Narekober naman sap ag iingat ng suspek ang isang baril na (1) rifle carbine, (1) magazine na may apat (4) na bala at tatlong (3) IED wire cord.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ang suspek habang isinampa na ang kasong RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” laban dito.

Facebook Comments