Brgy. Marabulig Uno sa Cauayan City, Naideklarang ‘Drug Cleared’ ng PDEA-RO2

*Cauayan City, Isabela*-Idineklarang β€˜Drug Cleared’ ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ang Barangay Marabulig Uno sa Lungsod ng Cauayan matapos sumailalim sa masusing validation ng Oversight Committee ng nasabing ahensya dahil sa pagkakasangkot ng barangay sa iligal na aktibidad.

Ayon kay Brgy. Capt. Jaime Partido, lubos itong natutuwa dahil negatibo na ang kanyang nasasakupan sa iligal na droga matapos tanggapin ang sertipikasyon mula sa PDEA Region 2 nitong nagdaang linggo.

Dagdag pa niya na mas lalong paiigtingin ang monitoring na kanilang ginagawa para hindi na maulit ang insidente ng pagkakaroon ng iligal na aktibidad sa kanilang lugar.


Giit naman niya na ilan sa mga sangkot sa iligal na droga ay ang mga dumarayo sa kanilang barangay at hindi mismo ang mga kabarangay nito ang sangkot.

Hinihikayat naman ni Brgy. Capt. Partido ang lahat ng kanyang nasasakupan na makipagtulungan upang mapanatili ang hindi pagpasok ng iligal na droga sa lugar.

Facebook Comments