Lasing na nanay, iniwan ang 1-taong-gulang na anak sa sementeryo

Image from Pexels website
Bunsod umano ng sobrang kalasingan, iniwan ng isang ina ang kaniyang isang-taong-gulang na anak sa sementeryo sa Arevalo, Iloilo.

Ayon sa pulisya, Martes ng madaling araw nang marinig at makita ng ilang kabataan ang paslit na umiiyak.

Kaagad nilang dinala ang musmos sa pinakamalapit na himpilan.

Makalipas ang dalawang oras, sinusundo siya ng babaeng nakainom at nagpakilalang ina ng paslit.

Subalit hindi siya ibinigay ng awtoridad, bagkus nakipag-ugnayan muna sila sa City Welfare and Social Development (CSWD) sa nasabing bayan.

Batay sa assessment ng CSWD, walang kakayahan ang nanay na alagaan ang bata dahil maysakit raw ito sa pag-iisip, base na din sa naging pahayag ng live-in-partner nito.

Ipapasuri ng mga social worker sa psychiatrist ang babae para malaman ang totoong kalagayan niya.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng ahensiya ang 1-anyos na bata.

Facebook Comments