BRGY SAN PABLO, MULING INATAKE NG MAGNANAKAW NG BAKA

CAUAYAN CITY- Nakaalerto ang mga opisyal at Brgy. Tanod sa East Tabacal Region matapos makapagtala muli ng insidente ng nawakan ng alagang baka sa Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Dante Andres ng Bugallon, matapos ang nangyaring nakawan ay nakipag-ugnayan sila agad sa mga otoridad at mga opisyal ng karatig barangay upang mabigyang abiso hinggil sa insidenteng ito.

Aniya, magpasahanggang ngayon ay wala pa rin silang ideya kung sino salarin sa likod ng mga nakawang ito sa kanilang lugar.


Dagdag pa niya, inaabisuhan niya ang mga residente na iwasang magpastol sa mga open areas bagkus ay ipastol na lamang ito malapit sa kanilang tahanan.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments