BRGY. VILLA CONCEPCION SA LUNGSOD NG CAUAYAN, MANANATILI SA ECQ HANGGANG SEPTEMBER 17

Cauayan City, Isabela- Ipinapabatid ng lokal na pamahalaan ng Cauayan na pinalawig ang pagsailalim sa Enhanced Community Quarantine (Calibrated Lockdown) partikular sa Purok 5 ng Brgy Villa Concepcion.

Nagsimula na kaninang 12:00AM ngayong araw, September 3, 2020 ang Calibrated lockdown na matatapos hanggang alas 12:AM ng September 17, 2020.

Ito ay para sa magbigay daan na maisagawa ang pagpapatuloy ng mandatory quarantine ng mga positibong kaso ng COVID-19 na naitala noong isang linggo.


Magugunitang nagpositibo rin sa COVID-19 ang lima (5) na kapamilya ng unang nagpositibo sa barangay na isang opisyal ng Villa Concepcion sa katauhan ni CV674.

Ang lahat ng mga positibong kasong ito ay pawang mga residente ng Purok 5, Barangay Villa Concepcion.

Facebook Comments