BRGY. VILLA LUNA, NANANATILING PAYAPA

Cauayan City – Napapanatili pa rin ang kapayapaan at kaayusan sa nasasakupan ng Brgy. Villa Luna, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy Kapitan Oscar De Luna, isa sa prayoridad nila ay ang maayos at ligtas na pamumuhay ng mga residente sa kanilang barangay.

Aniya, bukod sa walong barangay tanod na nakatalaga upang magbantay sa kanilang lugar, malaking tulong rin ang pagkakaroon ng headquarters ng kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang lugar.


Watch more balita here: CONSTRUCTION WORKER, TIMBOG SA ILEGAL NA DROGA

Sinabi nito na hindi naman maiiwasan na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga residente ngunit kaagad naman itong nadadaan sa maayos na usapan at hindi na humahantong pa sa matinding girian at pisikal na pagkakasakitan.

Facebook Comments