PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE, ISINAGAWA SA BAYAN NG SAN GUILLERMO

CAUAYAN CITY- Namahagi kamakailan si Congressman Faustino “Inno” Dy ng Educational Assistance sa Bayan ng San Guillermo, Isabela.

Umabot sa halagang P1.2 million pesos ang kabuuang naipamahagi kung saan 410 grade 12 learners ang naging benepisyaryo nito.

Ang pondo ng naturang aktibidad ay handog ng opisina ni Cong. Inno Dy at ng DSWD SWAD Team Isabela.


Katuwang sa aktibidad ang mga guro, magulang, Barangay Officials, at ang LGU San Guillermo sa pamumuno ni Mayor Felipe Guyud, Jr.

Facebook Comments