BRGY. VILLADOR, MAGPAPATUPAD NG MGA INFRASTRUCTURE PROJECTS NGAYONG TAON

CAUAYAN CITY-Inilatag ng Brgy. Villador, Reina Mercedes, Isabela ang mga nakahanay na proyekto para sa ikakaunlad at ikakaayos ng kanilang barangay ngayong taon.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Captain Jonel Acob, ipinahayag nito ang mga nakahanay na proyekto ng Barangay Villador ngayong taon, kabilang na ang konstruksyon ng Health Station na nagkakahalaga ng P200,000.

Ayon kay Acob, prayoridad nila ang proyekto dahil sa pangangailangan ng mga residente, lalo na ang mga bata at senior citizens, na nangangailangan ng mas mabilis at maayos na atensyong medikal.


Bukod dito, kasama rin sa mga proyektong isasakatuparan ay ang pagsasaayos ng mga streetlights at drainage canal, at pagkukumpuni sa shoulder ng mgakalsada

Sa kabila ng mga proyekto, pinuri rin ang barangay sa pagiging mapayapa at tahimik nitong mga nakaraang buwan.

Kaugnay nito, wala umanong naitatalang insidente ng nakawan o kaguluhan, na isang patunay sa masigasig na pamamahala ng barangay at pakikiisa ng mga residente.

Facebook Comments